Ito po ang aking ginamit na pag papakilala sa isang thread ng photography club forum na BULLET (Bulacan Letratista) na sinalihan ko na pinamagatang: "Introduce Yourself."
Kamusta BULLET!
Ako po ay si Jonathan Hernandez. Tubong Sta. Maria at ngayon ay sa Liang, Malolos na naninirahan.
Ngayon lang po ako naging miyembro ng forum na ito subali't matagal nang mahilig sa Photography. Nais ko din pong maging miyembro ng BULLET kung inyong mamarapatin.
Nagsimula po ako mahilig sa potograpiya ng tinuruan ako ng aking TATAY ng
basics. Maliban dun sa basics na tinuro nya, hanggang ngayon hindi pa ako nakaka attand ng Basic Photography sa alin mang nag tuturo nun. Canon A1 ang gamit nya at naging gamit ko na rin kalaunan.
Nasunog ang bahay namin sa Sta. Maria, kasama ang camera. 1997 yun.
1998 pinanganak ang panganay kong anak, nakabili ako ng Canon EOS 88.
Nauso na ang digital ng mga panahon ng 2000. Ipinanganak ang pangalawa kong anak ng 2004 at ako naman ay nakabili ng Canon Powershot point and shoot digicam.Nasira na yun and after some years, naka-ipon (naka-utang ang ibig sabihin nun) Naka bili ng Canon EOS 400D. Pinag aralan at maraming litrato ang na kuhanan. 2010, "naka-ipon" uli at bumili ng Canon EOS 7D.
Ngayon po ay na piktyur piktyur lang pag may outing ang Kumpanyang pinapasukan (Coca-Cola). Duon pina practice ang hilig sa Portrait, Landscape at Macro. At kasalukuyang nag hahanap ng magandang mapag-e-enrolan ng "Basic Photography."
I am a newly graduate of FPPF Basic Photography Workshop at Fort Santiago in Intramuros, Manila.
ReplyDelete